Bibingka

4 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Sa ating awitin,
Sana'y iyong sundin,
Ang tamis na pag-amin,
Sabay ang maulap na tingin.

Bibingka'y namna-min,
Sa pasko'y mapapa-sa'tin,
Ang saya ng bituin,
Lalo't lambing na masunurin.

Nawa'y ipaglapit ni tadhana,
Na sa isang bibingka,
Magdu-dulot ng mahika,
Sa pisnge n' yang mapula.

Hindi akalain matu-tulala,
Sa isang larawan nagdala,
Na malahim-papawid at sidra,
Sa iyong namu-muong ganda.

Ibigin aking bibingka,
Sa tamis na kaka-iba,
Sa muli'y magiging alaala,
O aking paro-paro at tala.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now