Yakap at Luha

13 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Hanggang kailan,
Makakalaya sa kawalan,
Sa tinuring kong tahanan,
Na sa dulo, ako'y nawalan.

Yakap ng makuha,
Dumampi pati ang mga luha,
Iginuhit ko sa tula,
Ang iniwan mong salita.

Yakap at luha'y pinigilan,
Sa taong ini-ingatan,
Siya'y nawala at nasaktan,
Ng 'di ko namamalayan.

Kaya para sa'n,
Kung ako'y gagaan,
Na sa huli'y paparusahan,
Kahit 'di ako ang dahilan.

Wala ng katahimikan,
Sa yakap na mahahagkan,
Mga luha na 'di mapigilan,
Tinitiis at nilamon ng tuluyan.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now