☕︎︎halcyonkiyo
Kayumanggi mong balat,
Sumi-simbolo sa bansang tapat,
Ikaw ay tulad sa lahat,
Kaya't igalang sa nararapat.Walang diskriminasyon,
Sa pag 'di sang-ayon,
Kayumanggi ay milyon,
Ipagmalaki kung sa'n paroroon.Kutis ay ekwalidad,
Walang labis at kalidad,
Hindi sa ugali at edad,
Kaya't kayumanggi'y walang tulad.Matuto kilalanin ang isa,
Hindi man pareho sa tala,
Ngunit bigyan ng halaga,
At lumisan sa mga akala.Ikaw ay mahalaga,
Kayumanggi mo'y sinag sa umaga,
Nararapat kang maging masaya,
Sa buhay na 'kaw ay ligaya.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...