Sayo

15 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Para sa pusong bigo,
Sayo'y 'di susuko,
Kahit oras ay huminto,
Asahan ako ay 'di lalaho.

Tula sa kundiman,
At hiwaga sa kalawakan,
Sayo ko maha-hagkan,
Ang sayang walang hangganan.

Nawa'y mapanatag,
Sa sariling bagabag,
Patuloy sa paglakad,
Para mata mong matingkad.

Pangarapin ko man,
Na maging sandalan,
Sa pagod mong kalooban,
Sayo ako lubos na nasi-sayahan.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now