Ikaw, at ako

11 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Ikaw at ako sa muli,
Hindi malalaho pag-pinili,
Walang hadlang kung sakali,
Pag 'di kaw ang ha-halili.

Sa puso kong na-nanatili,
Ibigkas na may tono sa ngiti,
Sana'y palarin ng sandali,
Na ikaw at ako sa huli.

Bawat taon ang i-tinuon,
Bawat oras ang nilamon,
Ikaw at ako magka-karoon,
Ng saysay na 'di i-tinapon.

Kahit noon pa man,
Walang liham na iniwan,
Walang tulang sinaktan,
Walang araw na pinatunayan.

Dahil sa dulo nito,
Ako ay para sayo,
Ikaw ang bubuo,
Sa puso kong winasak ng mundo.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now