Tinta

9 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Sa bawat pahina,
Natutulala't nanghi-hina,
Luha ang tinta,
Sa nandi-dilim kong mata.

Masakit ng mag-isa,
Nina-nais kitang makasama,
Bakit gano'n si tadhana,
At sa huli'y ako ay nabalisa.

Iba na tayo,
Iba na ang mundong sayo,
Masakit no'ng lumayo,
Na tila'y tinta na tumuyo.

Ako ang tinta
Na iyong nakikita,
Unti-unting lumu-luha,
Ng maubos sa pagtula.

Siguro sa iyong paglisan,
Natutunan kong minsan,
Na maari ko pa simulan,
Kahit wala kana sa kawalan.




Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now