☕︎︎halcyonkiyo
Sa unang pagsasama,
Nating dalawa,
Lagi na kitang nakikita,
Simula pa nung una.Kampante sa lahat,
Napapawi ang bigat,
Mahal ikaw ay sapat,
Na kahit sino 'di masusukat.Sa iyong ngiti,
Nawawala ang kubli,
Lumuluwag ang tali,
Pag mahal ako ang pinili.Hindi na mahalaga,
Kung sa'n ka nagmula,
Dahil ramdam ang pula,
Sa tuwing mahal 'kaw ang kasama.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...