Sino ako?

126 6 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Sino ako sa lahat ng tao,
Kung wala ito, paano ako?
Para bang nasisiraan ng ulo,
Sa walang tapos na gulo.

Naging patas ba ang mundo,
Sa kung sino ako?
Wala na bang mabubuo,
Kung magiging tayo?

Bugso ng aking puso,
Mga luha kong patulo,
Sino ako sa inyo,
Kung 'di kakayanin at sumuko.

Nakakapagod yumuko,
Sa sakit na 'di mo inaako,
Masyado ka nang napako,
Sa walang oras na pangako.

Kaya't 'di kailangan ituro,
Sa kung sino ako,
Mananatiling dito,
Ang liwanag sa'king puso.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now