Lakbay

19 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Isa ang aking hiling,
Para sarili'y makapiling,
Lakbay ng buhay natu-tuliling,
Sa gitna ng problema’y haharapin.

Ako ang tula,
Sa makinang na tala,
Kahit pagod at nadapa,
Lakbay ng buhay na ang bahala.

Kwento sa kalawakan,
Hindi tumigil kailan man,
Sana'y sa buhay ganyan,
Na sa paglalakbay patuloy lumaban.

Naiintindihan ng masaktan,
Pinapasaya para'y kalimutan,
Gan'to ang daan at paraan,
Para sa paglakbay sarili'y 'wag pabayaan.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now