☕︎︎halcyonkiyo
Sa harap ang tingin,
Hiling ko'y pangarapin,
Ibigkas mo sa akin,
Ang tunay mong i-ibigin.Huwag sayangin,
Ang paro-paro't panalangin,
Nawa'y hiling mapa-sakin,
Hangga't kamatayan ito'y da-dalhin.Sapat ang mga luha,
Para sa gantong tula.
Hiling ko'y makuha,
Sa bawat aking wini-wika.Mukha mo'y naka-kanatala,
Sa kalangitan at tala,
Ikaw ang bahagi ng bawat tula,
Handang ibigin at itataya.Hiling ko'y panimula,
Nasasabik sa aking tula,
Hindi ka mabubura,
Sa kalawakan ka'y himala.Kaya't hanggang dito,
Ang nais sabihin sayo,
Hiling sa bato mong puso,
Para sakin ay kumibo.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...