Isip

5 2 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Isip ko'y mapaglaro,
Nahulog sa mga pangako,
Hindi mabilang kung ano,
At saan ang halaga ko.

Sa kabuang eskenita,
Tila'y isip ko'y makina,
Walang tigil ng madala,
Sabay nito'y mga pag-aalala.

Nanlulumot sa yanig,
Nawasak sa isang titig,
Ang isip ko'y may tinig,
Nabibingi ng ito'y marinig.

Walang oras inisip,
Sa puso kong na-ninikip,
Kahit sa maliit pagbabago,
Sakit ay palaging umi-idlip.

Sa isip ako'y mag-isa,
Nakulong at walang gana,
Bakit gano'n si tadhana,
Pag nais lang ng kasama.



Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now