☕︎︎halcyonkiyo
Pahid ang lungkot,
Sa sakit na bumabalot,
Mundo'y nakapalibot,
Sa dagtum na pag-ikot.Rosas na tumila,
Sa pagkupas ng pula,
Tumingin sa'kin luha,
At sa sakit na aking napala.Walang oras,
O panahon na tumakas,
Sa sadyang daluyong lakas,
Na iyong ipinaranas.Dagtum na kumulay,
Sa paligid kong tamlay,
Wala ng kabuhay-buhay
Pag 'di 'kaw ang kasabay.Paano muli dadaloy,
Sa problemang tuloy-tuloy,
Maari ko bang ipagpatuloy,
Kahit puso'y dumadangoyngoy.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...