Walang humpay

10 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Sa hindi mabilang na tala,
Ang nakikita sa'yong mata,
Kagandahan mong makata,
Walang humpay ng makita.

Nais makasama,
Sa kanlungan nadarama,
Dalangin ko'y tama,
Sa walang humpay mong ganda.

Ikaw ang tula,
Paro-parong pumu-pula,
Tila'y isa kang espedida,
Na palaging masaya.

Pagod kong sayo'y hihimlay,
Walang humpay na taglay,
Ang yakap mong hinintay,
Sa saya'y ito ang tulay.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now