☕︎︎halcyonkiyo
Malayo ang kalawakan,
Para makita akong luhaan,
Mga pangarap ko paraluman,
Ang sumu-suntok sa buwan.Pangarap na pang-sarili,
Alam kong huwarang susi,
Masyado na sa pagkaka-tali,
Para isipin, wala ka sa huli.Suntok man sa buwan,
Ang bigat sa kalangitan,
Humihingi ng sandalan,
At siya'y itong iniwan.Mag-isa sa daan,
Nalunod sa sariling karagatan,
Sa pag patak ng ulan,
Nahulog na 'di na-mamalayan.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...