Paroparo

18 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Sa pagkupas ng ganda,
Hindi mo na maida-dala,
Ang saya at ligaya
Pag paro-paro'y tumila na.

Marami ng sana,
Ang naglaho na,
Tulad ng paro-paro,
Pagod, at wala ng gana,

Nais sana makita,
Ang kinang sa tala,
Paro-paro'y nawawala,
Para sa pusong magmula.

Hindi na nabi-bigla,
Pag kita'y naki-kita,
Hindi na natu-tula,
Pag tibok ay minsan nawala.

Nakakapagod pala,
Mag hintay sa himala,
Na bumalik ang sana,
Na aking gustong matamasa.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now