Pagkislap

37 4 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Sa tahimik na buwan,
Dahan kong hahawakan,
Ang pagkislap ng kagandahan,
Na ibinuo mo sa'king isipan.

Patuloy natin lampasan,
Kahit iba'y gustong lumisan,
Manalo't matalo minsan,
Pagkislap sa sakit ay mala-lampasan.

Patuloy mong sisirin,
Kung sa'n ka dalhin,
Pagkislap ng tingin,
Ito'y sayo'y aaminin.

Sabay natin hilingin,
At tatanggapin,
Kahit sa madilim ay mariin,
Walang sayang mauubos at sasayangin.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now