Ilusyon

7 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Hindi mo marapatin,
Ang sandali natin nabitin,
Mga larawang nakatingin,
Sa ilusyon ay babawiin.

Pinagtagpo sa hangin,
Sumabay ang tingin,
Ilusyon ng pag-amin,
Sa dulo 'di ka naging sakin.

Para sa'n ang tula,
Sa aking mga luha,
Ilusyon sa labi mong pula,
Hanggang titig ang napala.

Pahimakas kong sini-mulan,
At patuloy kalimutan,
Ilusyon sa pangitain ni kanlayan,
Nahulog na 'di ko nama-malayan.

Tinta ng kalungkutan,
Wala naman karapatan,
Sa ilusyon ng ating pagitan,
Sa muli 'di magiging kailan.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now