☕︎︎halcyonkiyo
Sa huling tingin,
Mga ngiti mo'y sakin,
Umaasa pa rin,
Sa huling damdamin.Umaasang magbalik,
Ang ating pagta-talik,
Na hindi kailan hihimik,
Pag 'kaw ang nagalit.Umaasa sa mga sana,
Kahit kumupas ka na,
Kahit ang ating mga luha,
Senaryo na ang nalikha.Umaasa sa sandali,
At nagba-bakasakali
Na baka' y minadali,
Kaya't sarili ay 'di pinili.Hindi na kawalan,
Ang umasa sa ulan,
Na sa pagtigil nito,
Loob ko ay gagaan.May mga saya panandalian,
Mga tanong na walang kasagutan,
Pero hanggang kailan?
Umaasa sa tanong na pala-isipan.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...