☕︎︎halcyonkiyo
Taon man ang lumipas,
Sa mundong 'di patas,
Kailan makaka-takas,
Sa alaala mong pinamalas.Sadya'y gan'to ang taon,
Isang dosena pagkakataon,
Para 'di na muling lumingon,
Sa alaala natin patapon.Sinubukan kong lumayo,
Sa sidra na nasa iyo.
Mga taong walang tayo,
Naging masaya ba ako?Hindi, at ako'y tumingala,
Sa malungkot na tala,
Taon-taong lumuluha,
Para sa'king mga nagawa.Maaring kaya ko,
At magagawa mo,
Ang kalimutan ang taon,
At sa huli, ito ay itapon.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...