☕︎︎halcyonkiyo
Bibigkasin ng tono,
Sa tunog ay isasa-ulo,
Mahika'y mapapa-sayo,
Sa takdang buwan ng hulyo.Tiwala'y sa sarili,
Kumapit sa huli,
Mahika'y mananatili,
Pag karapat-dapat kang pinili.Walong letra,
Ang nais ipakita,
At ibigkas sayo sinta,
Dahil sa'yo, ikaw ang tunay na mahika.Sa iyong ganda,
Hindi kukupas na ligaya,
Ikaw ang mahika,
Na mapapa-sakin sinta.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...