Ngiti

24 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Sa bilis ng yapak,
Sa matingkad mong kislap,
Nadadala sa harap,
Ng iyong ngiting pagpapanggap.

Ito'y nato-torete sayo,
Bakit hindi maging tayo,
Bakit sa ngiti mo'y nabubuo,
Ang liwanag sa mundo ko.

Napapadalas na tingin,
Paninikip ng aking damdamin,
Kailan kaya muli aamin,
Para ngiti'y 'di sayangin.

Alam ko na 'di maari,
Ang pusong nagwawagi,
Na makuha ka sa sandali,
Kaya ayos lang kung 'di ako pinili.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now