Sa wakas

5 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Sa wakas natutunan ko,
Ang bagay na tinuran mo,
Na kailan man 'di ako,
Ang taong nakalaan para sayo.

Sa wakas kinaya ko,
Tanggapin na walang tayo,
Sa wakas naging totoo,
Kahit pa ako ay nabigo.

Dahil alam mo,
Isa kang daan pantungo,
Sa sarili kong mundo
At sa wakas, nagawa ko.

Umasa ako sa tala,
Naniwala sa mga akala,
Pero ito lang pala,
Ang aking mapapala.

Sa dulo nito,
Nais kong sabihin sayo,
Na humihilom ang sugat na nabuo,
At sa wakas.. ako'y muling natuto.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now