Patlang

8 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Isip ay patlang,
Sa mundong 'di alam,
Sila'y kasuklam-suklam,
Na tila'y sumpa ng mangkukulam.

Nais kong iwasan,
Takasan at pigilan,
Ang patlang sa isipan,
Na 'di ko alam ang dahilan.

Ito ba'y kaparusahan,
Sa walang tapos na kahirapan?
O ito ang susi sa lagusan,
Para makita ang kapayapaan.

Sa bugtong ng buhay,
Mga patlang na tulay,
Hinahanap ang sagot sa taglay,
Na tila'y sarili'y naka-bitay.

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now