Siguro Nga

5 3 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Siguro nga 'di maari,
Kahit ito pa ay sandali,
Sinubukan kong mapangiti,
Ngunit nabitag sa tali.

Kahit pa'y magkunwari,
Na 'di nasasabik sa'yong ngiti,
Siguro nga ito ang pinili,
Ang hindi tayo sa huli.

Sa isang katulad mo,
Na ngiti't pantasyang nabuo,
Siguro nga ay ito,
Ang hantungan ng puso.

Umikot man ang mundo,
Lumipas ang maraming siglo,
Mananatiling sayo,
At kahit pa sa huli... walang tayo.


Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now