☕︎︎halcyonkiyo
Sa tula na aking buhay,
Aking hininga, at walang pantay,
Iskripto nito'y naging gabay,
Para sa buhay na malumanay.Ikaw ay hinintay,
Sa saya ng mundo'y taglay,
Wala ng papantay,
Kung sa iskripto'y magiging tunay.Para sa anaya ng kalangitan,
Sa ngiti mo'y pinaka-iingatan,
Ikaw ang hiling sa tagpuan,
Na makasama at mahalikan.Kaya't 'wag sumuko,
At sa pangako 'di mapako,
Bida sa iskripto ng buhay ay ako,
Hindi papatinag at muling tatayo.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...