☕︎︎halcyonkiyo
Gulo ng damdamin,
Saya'y naubos sakin,
Ikaw ang binhing inamin,
Sa parusang suma-salamin.Sa araw at pag-ulan,
Mga nyebe't kalawakan,
Ikaw ang binhing hinawakan,
Bago sa gabing pag-iwan.Bumabalot ng hinagpis,
Sa binhi'y 'kaw ang nakilatis,
Palagi kong tinitiis,
Sa isip ka' y 'di dumaplis.Binhi'y pinanindigan,
Nawala ng tuluyan,
Ikaw ang minasdan,
Ngunit sakanya ka lumisan.Kaya't ako'y pakinggan,
Mga boses na ina-asahan,
Patawad kung pipigilan,
Ang binhing' di ko makamtan.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...