Tanong

13 4 0
                                    

☕︎︎halcyonkiyo

Patuloy kong iniintindi,
Kahit ang salita'y nakakabingi,
Mga tanong na 'di mapakali,
Sana'y ito nalang ang huli.

Kailan, paano at bakit,
Sa sagot na ipinagkait,
Talaarawa'y nakaka-akit,
Sa likod nito'y may itinagong sakit.

Tanong sa kalawakan,
Lumalalim na isipan,
Maraming kadahilan,
Kung ba't kita’y nagustuhan.

Para saan ang sagot,
Kung sakit ay bumabalot?
Anong bagay ang mapupulot,
Kung pag-ibig ang sangkot?

Mga Tula Sa KalawakanWhere stories live. Discover now