☕︎︎halcyonkiyo
Boses sa isipan,
Nabingi ng 'di nama-malayan,
Paki-usap ko'y pagbigyan,
Sa bigat na aking naramdaman.Ako'y palipasin sa daan,
Sarili ko sana'y ingatan,
Paki-usap ko'y pakinggan,
Para sa pusong nahi-hirapan.Dahil namaos sa sakit,
Humiling at pinag-kait,
Naki-usap at sila'y nanlait,
Pero sa dulo ako'y 'di pikit.Bilangin ang oras,
Sa mundo na nais itakas,
Paki-usap na sana'y umalpas,
At ang sakit ay ipabukas.Nakakapagod na nakaraan,
Mga luhang dumaloy sa isipan,
Paki-usap ko sa kalawakan,
Na ngayon, at bukas ay makayanan.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...