☕︎︎halcyonkiyo
Darating tayo dito,
Kahit mundo'y bigo,
Kahit puso'y litong-lito,
Lalakbayin kaya't wag huminto.Sumabay tayo sa dulo,
Harapin ang anumang gulo,
Darating tayong 'di talo,
Basta' t ako ang kasama mo.Hawakan ang kamay,
Ipangako ng tunay,
Darating tayo'y maghintay,
At handa'y sarili'y isalalay.Pangarap ko sa muli,
Pag-ibig ko'y manatili,
Kaya't paki-usap sa sarili,
Makasama pa kita sa gabi.Darating at darating tayo,
Na walang pangamba sayo,
Hindi ka muling malilito,
Sa tadhanang mapagbiro.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Kalawakan
PoetrySa ating paglalakbay, Ikaw ang nagsilbing karamay, Kumapit ang ating mga kamay, Daan patungo sa tunay na buhay. Mga Tula Sa Kalawakan, Ang librong nanggaling sa isipan, Bawat pahina'y may kahalagahan, Mula man saya o pinagdaraanan. **PAALALA**...