Kabanata 1

13.8K 160 48
                                        

ABI

"Good morning, lola!" I happily greeted grandma who is now busy cooking for our breakfast.

Humarap siya sa akin habang hawak ang sandok. "Good morning, apo, kumusta ang tulog mo?"

I gave her a kiss on her cheeks and wrapped my arms around her waist. "Masarap po syempre! Pero malungkot na ako ngayon kasi uuwi na ako sa alabang."

"Malapit na ang pasukan, Abigail. Kailangan mong umuwi para mag-aral ka." She said and turned around to fry the dried fish. "Umupo ka na riyan. Hintayin mo na 'tong maluto bago ka kumain ng almusal."

Nakanguso at tamad na tamad akong naglakad papunta sa dining table. Umupo ako sa isa sa mga upuan doon habang pinapanood si lola magluto.

"Ayaw mo po bang mag stay sa alabang? Tatlo lang po kami sa bahay, lola. You can stay with us."

"Narito ang buhay ko, Abi. Dito na ako tumanda kasama ang lolo mo. Hindi naman porket patay na ang lolo mo ay pwede ko na iwan itong bahay. Hayaan mo dadalaw-dalaw naman ako sa inyo ni mama at kuya Gil mo." Aniya tsaka hinango ang niluto niyang tuyo.

"Sige, lola, ah? Sabi mo 'yan, ah? Dumalaw ka sa alabang para naman makapasyal ka rin."

Nakangiti siyang tumango habang pinagsasandukan ako ng pagkain. "Oo, apo. Sasabihan ko na lang kayo pag pupunta na ako doon."

Actually I'm kinda excited to get home because our school year will be starting soon. Malungkot lang din talaga ako kasi iiwan ko si lola dito. Nandito naman yung iba naming kamag-anak para magbantay sa kanya pero mas gusto ko lang talaga yung nakikita ko at nasisisgurado na maayos ang lagay ni lola. I'm Lola's girl kasi.

"Wala ka bang nakalimutan, Abi?" Lola asked after putting my bags inside the van.

"Wala na po, lola."

"Osiya, ikamusta mo na lang ako kay mama at kuya mo. Dadalaw ako doon. Mag-aral ka ng mabuti."

"Lola…" I feel like crying. Ayaw ko talaga ang part na nagpapaalam na. "Thank you for taking care of me po. I'll message you pag nasa bahay na po ako. Ingat ka po dito." Aniko at yumakap sa kanya.

"Sige na, sige na! Umalis na kayo. Baka gabihin pa kayo nila tita at tito mo sa byahe. Mag-ingat kayo. Danny, mag-ingat ka sa pagmamaneho mo!"

"Opo, ma! Babalik din po kami sa makalawa." Sabi naman no tito Dan sa kanya.

"Ma, mauna na po kami." Paalam naman din ni tita beth kay lola.

"Sige na. Umalis na kayo bago pa kayo abutin ng gabi."

Nagpipigil sa iyak akong sumakay sa van. Panay ang kaway ko kay lola at ganun din siya sa akin. Kung pwede ko lang talaga buhatin 'tong bahay nila ni lolo ililipat ko talaga 'to sa tabi ng bahay namin sa alabang para di na siya malayo sa akin.

"Abi, nandiyan ang pagkain sa itim na bag. Pag nagutom ka kumuha ka lang." Ani tita beth.

"Sige po. salamat po, tita."

I put my headphones on and play one of the BTS songs. Lately nagiging adik na ako sa kpop kaya ito ang bet ko pakinggan ngayon.

Nag-iwan lang din ako ng message sa GC namin nila mama at kuya para sabihin na nasa byahe na kami pauwi. Sakto sigurong hapunan nasa bahay na ako.

Nakatulugan ko ang buong byahe namin pauwi. Medyo malayo ang byahe pero noong nagising ako malapit na kami sa bahay.

"Sorry po, tita, tito, nakatulog ako."

"Okay lang, Abi. Ganyan talaga pag bata pa. Antukin sa byahe." Natatawang sabi ni tita beth.

"17 na po ako tita,"

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon