Kabanata 21

8.2K 153 52
                                        

ABI

"Magpahinga na muna kayo. Mamaya lilipat na tayo sa panibago nating base." Colonel Buenaflor said.

"Sir, yes, Sir!" We all say before saluting him.

Hindi pa ako nakakapaglakad hinila na ako ni Rita papunta sa tent namin. Pinaupo niya ako sa foldeng bed habang siya ay nakatayo sa harap ko.

"Nakita ko kayo ni Sir Ferrer kaninang nag-uusap. Ano? Okay na ba kayo? Nagkabalikan na ba kayo? Naayos na ba yung misunderstanding niyo?" Sunod-sunod niyang tanong.

Napabuntong hininga ako. Nahulaan niya agad ginawa ko kaya lumaylay ang balikat niya at nawala ang excitement sa reaksyon niya.

"Ah. Okay." Nasabi niya na lang at umupo sa tabi ko. "It takes time naman kasi talaga, Abigail. Hayaan mo, ngayong alam niya na nandito ka hindi na 'yon mapapakali."

Napasinghap ako.

"Hanggang ngayon ayaw niya akong pakinggan, Rita. Iniisip niya talaga na nag cheat ako sa kanya. Ang unfair lang. Ako lang ata yung naguguilty sa amin. Eh paano naman yung ginawa niya? Ang bilis-bilis niya akong pinalitan."

"Hindi ba counted din na nag cheat siya kasi hindi pa naman kayo official na nag break nung nakita mo siyang may kasamang iba?"

"I don't know." Napabuntong hininga na naman ako. "Ayoko na isipin 'yan. Magpahinga na lang muna tayo. Masyadong maraming nangyari sa atin ngayong araw."

"Yeah, yeah! Sige, mauna ka na magpahinga. May gagawin lang ako tapos magpapahinga na rin ako mayamaya." Aniya. Tumango ako.

Pag-alis niya tinanggal ko ang nakasukbit na rifle gun sa katawan ko. Inalis ko rin ang suot kong military jacket at military shirt. Tanging itim na tank top na lang ang naiwang suot ko sa pang-itaas. Kitang-kita ko na tuloy ang mga pasa at ilang galos na nakuha ko sa labanan kanina.

Mas marami akong pasa sa braso at kamay. Meron din akong mga galos sa likod at sa gilid ng katawan ko. Daig ko pa binugbog ng sobra dahil sa mga 'to.

"PFC Sison?" Boses iyon ni Technical Sergeant Tristan Baylon.

Hindi ko na nagawang isuot pabalik ang mga hinubad ko dahil pumasok na ito sa loob. May dala siyang maliit na box.

"Uhm…" I give up. Hindi ko na lang talaga iyon sinuot.

"S-Sorry!" Tumalikod siya at pumikit.

"It's okay, Sir. Para namang ngayon ka lang makakakita ng brasong may mga pasa." I joked.

"Oh, right…" tumango siya at muling humarap sa akin. "Can I open the door tarp? Mas okay siguro kung iiwan natin 'tong bukas habang kinakausap kita."

"Yes, Sir." Tumayo ako para ako na ang gagawa nun pero inunahan niya ako.

"It's fine. Umupo ka na." Nilapag niya muna sa tabi ko ang hawak niyang box bago iyon gawin.

"Thank you, Sir." Bumalik ako ng upo sa folden bed.

Nang matapos niyang buksan iyon dumiretso siya sa harap ko dala ang isang monoblock. Kinuha niya ang box at nilabas doon ang tubig.

"Kumain ka muna bago ka magpahinga. Matatapos na rin naman tayo dito. Makakauwi na rin tayo sa mga pamilya natin." He said and handed me a bento box.

"Thank you, Sir." I genuinely said as I accepted the food.

His gaze moves down to my bruises. He surveyed it intently before saying something.

"Ang dami mong pasa, Sison. Hindi bagay sa'yo ang trabahong ganito pero pinasok mo." Marahan niyang hinawakan ang braso ko para iangat. Tinignan niya rin kasi kung may pasa sa ilalim. "Ipagamot mo agad 'to, Sison."

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon