Kabanata 37

7.6K 155 21
                                        

ABI

"Hindi na ako babalik sa kanya." Umiiyak na aniko kay Kate.

Pagkatapos kong umiyak nang umiyak sa harapan ni Bullet kanina umalis ako at dumiretso dito kay Kate. Ayoko siyang makita. Ayoko rin marinig ang kahit na anong salitang lalabas sa bibig niya. I've done enough. Hindi na ako magpapakatanga sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari, Abi?" Nag-aalalang tanong ni Kate. Lumapit siya sa akin.

"Yung gagong 'yon! Alam niya pala na nakunan ako pero… p-pero wala siyang ginawa, Kate. Wala siyang ginawa! Hindi niya man lang ako pinuntahan at kinausap! Ang tanga-tanga ko! Ang tanga-tanga ko talaga pagdating sa kanya!"

"Ha? Pero kailan pa? Paano niya rin nalaman?"

"Si k-kuya Gil… s-sinabi sa kanya ni kuya Gil pagkatapos ko makunan…" umiiyak kong sagot. "L-Lahat sila… lahat sila ayokong makita…"

Wala akong kahit sino kinausap sa kanila bukod kay Kate. Hindi ako sumasagot sa mga tawag at text ni Bullet. Hindi rin ako nagpaparamdam kay kuya Gil at mama. Silang tatlo, ayaw ko silang makita o makausap. Hindi ko kayang pakinggan lahat ng mga sasabihin nilang paliwanag na alam ko namang kasinungalingan lang din naman.

Si Kate na ang kumuha ng ilang gamit ko sa bahay. Sabi niya naabutan niya doon si Bullet na naghihintay sa akin. Kinukulit din siya na sabihin kung nasaan ako pero kinausap siya ni Kate na pabayaan na muna ako at hayaan muna makapag-isip.

"Sigurado ka bang papasok ka?" Tanong niya habang nag-aasikaso ako para pumasok.

"Oo. Kung magkasalubong man kami sa kampo, magpanggap na lang akong hindi siya nakikita."

"Oh paano pala 'yan, Abi, 'di ba pinapatigil ka na niya sa pagsusundalo dahil delikado daw na trabaho 'yan sayo?"

"Mas maganda nga 'to, eh. Papasok ako at sasabak ulit sa giyera. Mamatay siya sa pag-aalala sa akin. Wala akong pake." Padabog kong kinuha ang military cap ko at sinuot iyon. "Nasaktan niya na ako, wala na rin 'yong pagkakaiba kung masaktan ako sa serbisyo."

Pagdating ko sa kampo dumiretso ako sa barracks namin para puntahan si Rita. Kanina pa siya dito. Hinihintay niya ako para sabay na pumunta mamaya sa field para sa training. Okay na siya. Wala na rin yung injury niya kaya makakasama siya sa training namin mamaya.

"Napanood ko sa balita yung nangyari sa mall nung nakaraan. Nahagip kayo ng boyfriend mo sa camera. Sweet niyo talaga, Abi! Bagay na bagay kayo…" kinikilig niyang kwento.

Mapait akong napangiti kaya napawi ang kilig niya.

"Anong na namang nangyari?" Nauubusan na pag-asang tanong niya.

"Hiwalay na kami. This time we broke up for good."

"What?" Napaahon siya sa pagkakaupo. Lumapit siya sa akin. "Anong nangyari? Bakit? Akala ko ba okay na?"

"Nagsinungaling siya sa akin, Rita. All this time, alam niya yung tungkol sa anak namin. Alam niya pero wala siyang ginawa. Pinabayaan niya ako."

"Nagpaliwanag ba siya?"

"Hindi ko naman kailangan marinig ang paliwanag niya, Rita. Tutal hindi niya rin naman pinakinggan ang paliwanag ko noon kaya bakit ko pakikinggan ang paliwanag niya ngayon?"

"Baka naman kasi may malalim na dahilan—"

"Rita, stop. Pagod na akong intindihin at mahalin yung lalaking 'yon. Kung pwede ko nga lang balikan yung araw na nagustuhan siya para mapigilan ko yung nararamdaman ko gagawin ko." Mariin kong sabi na nagpatikom sa kanya.

Habang naglalakad papunta sa field natigilan ako nang makita ko mula dito sa pasilyo si Bullet. May kausap siyang babae sa likod ng building nila Captain Javier. Ngayon ko lang nakita yung babaeng 'yon. Naka side view siya sa gawi namin ni Rita. Naka complete military uniform din siya pero hindi ko pa siya nakikita dito kahit isang beses.

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon