Kabanata 31

8.9K 151 42
                                        

ABI
R18

Nanginginig pa ang tuhod ko nang tumayo ako ilang minuto matapos akong natulala. Inayos ko ang suot kong dress. Nag alcohol ako at nag spray ng perfume. Tumayo ako ng maayos bago sinubukan maglakad.

It's uncomfortable to walk. I can also feel my wetness down there. Gusto ko na tuloy umuwi para makaligo at makapagpalit ng underwear. Baliw kasi 'tong si Bullet!

Napabaling sa akin si Sir Tristan nang makita niya akong parating. Umayos agad ako at pilit na ngumiti nang lumapit ako.

"May problema ba?" Tanong niya, tinutukoy niya siguro ang tawag na natanggap ko kanina.

"W-Wala po, Sir. Yung friend ko po pala 'yon. May sinabi lang siya sa akin." I sat down beside him.

Pareho na kaming bumaling sa movie. Imbes na kay Sir Tristan ako mag focus hindi ko magawa. Naiwan pa ang isip ko sa nangyari kanina. Nagpapaulit-ulit iyon sa isipan ko dahilan para manayuan pa ang balahibo ko.

Damn. It's been years, Bullet. Halos makalimutan ko na ang pakiramdam na mahawakan niya sa sobrang tagal na. Ngayon ginawa niya na ulit. Wala na. Adik na naman ako sa kanya.

Action yung pinapanood namin pero r18 ang pumapasok sa isip ko. Malinaw na malinaw iyon. Ako at si Bullet, pareho kaming nakahiga sa kama habang naghahalikan.

"Goddamnit." Bigla kong naiusal.

Pareho kaming nagulat ni Sir Tristan dahil sa lumabas sa bibig ko.

"Ay, s-sorry, Sir." Napapahiyang aniko.

"May problema ba sa pinapanood natin?"

Umiling agad ako. "Wala, sir. Ang ganda nga ng pinapanood natin, e. Wow, ang galing ng bida…" pumalakpak pa ako.

Pagkatapos ng movie pumunta namin kami sa restaurant na binook niya. Naging limitado na ang pagsasalita ko. Kinakausap niya ako ng maayos pero ako itong di makausap ng maayos. Lumilipad yung isip ko sa nangyari kanina. Ilang oras na ang nakalipas pero nandoon pa rin ako.

"Zane, are you okay?" Hindi na niya napigilan magtanong.

Napalunok ako. "O-Opo, Sir. Sorry may iniisip lang kasi ako." Aniko tsaka uminom.

Umayos siya ng upo at uminom din ng tubig. Tumigil ako sa pagkain. Binaba ko ang hawak ko.

"Ahm, Zane…" pauna niya.

Kinabahan ako bigla. Kailangan ko na masabi sa kanya ang tungkol sa amin ni Bullet bago pa siyang may masabi.

"Sir, sorry…" inunahan ko siya. Hindi nagbago ang reaksyon niya. Mukang alam niya na ang sasabihin ko pero nagawa niya pa rin ngumiti.

"I know. Hindi ka naman nagkulang iparamdam sa akin na magkaibigan lang tayo, Zane." Dinaan niya iyon sa pagtawa. Nakonsensya tuloy ako.

"I'm really sorry, Sir…"

"Nagkabalikan na ba ulit kayo ni Sir Ferrer?" Tanong niya. Tumango ako. "Hmm, okay."

"Actually kaya pumayag din akong lumabas tayo para sana makapagpasalamat ako sa lahat ng tulong mo sa akin. Kayong dalawa ni Rita ang kaibigan ko sa kampo. Hindi niyo ako pinapabayaan kaya sobrang nagpapasalamat ako na nakilala ko kayo. Tsaka… ang nag-iisang rason lang naman po kaya ako nagsundalo ay si Bullet."

Hindi siya nakaimik sa mga sinabi ko. Halata naman sa mga mata niya ang lungkot pero ngumiti pa rin ito sa akin, mukang tinatanggap na lang ang sitwasyon.

"I'm really sorry, Sir Tristan." Nahihiyang aniko.

Nagpakawala ito ng isang malalim na paghinga pero matunog din na natawa. Dinampot niya ang fork at dinner knife at nagtuon na sa pagkain.

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon