Kabanata 18

8.1K 136 43
                                        

ABI

"Sigurado ka na ba talaga sa pagsusundalo, Bullet?" Tanong ko mula sa kung saan.

Nilingon niya ako. Nilapag niya muna sa lamesa ang mga binili niyang pagkain. Kakatapos lang namin maglibot ni Bullet dito sa pinuntahan namin. Habang bumibili siya kanina ng pagkain ang pagsusundalo niya ang umiikot sa isipan ko.

"Yes. Why?" He sat beside me.

"Wala. Natanong ko lang."

Simula noong sinabi iyon sa akin ni Dwight hindi na iyon nawala sa isip ko. Hindi ko naman 'to naiisip dati. Wala naman sa akin kung gusto niya magsundalo o ano man pero ngayon… natatakot ako para sa kanya.

Hinatid lang ako ni Bullet pauwi sa bahay pagkatapos namin mag date. Umuwi din siya agad sa condo niya at hindi na nag stay bahay namin.

Ang ending tuloy ng sobra kong pag-iisip sa pagsusundalo niya nanood ako ng movies na army ang bida.

"Bakit namatay? Bakit kasi kailangan mo i-sacrifice ang sarili mo para sa bansa?!" I said frustratingly after I watched the movie.

Padabog kong sinara ang laptop ko. Humiga ako at niyakap ang unan.

"Delikado talaga 'yang pagsusundalo na 'yan, eh…"

Kahit na sa pagtulog at sa panaginip ko nandoon ang pag-aalala ko sa pagsusundalo ni Bullet. Pilit ko namang inaalis 'yon sa akin pero mas lumala lang ang pag o-overthink ko.

Gabi-gabi ako nanonood ng documentaries, movies, and series about military. Sa tuwing namamatay o hindi maganda ang kinahahantungan ng mga bida naiinis ako.

"Hindi ka na naman ba natulog ng maaga, Zane?" Ani Bullet tsaka kinuha ang dala kong bag.

"May pinanood kasi ako. Matatapos ko na rin naman 'yon kaya makakatulog na ako ng maayos ulit." Paliwanag ko.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya. Sumakay ako doon at sinuot ang seatbelt. Hindi ko na rin talaga mabilang ang paghikab ko simula nung sunduin niya ako dito sa school kaya siguro nagtanong na siya.

"Sigurado ka na ba talaga sa pagsusundalo mo, mahal?" Maingat kong tanong.

Natigilan siya sa pagsusuot ng seatbelt niya. Nilingon niya ako.

"Yes, baby. Why? You asked me a lot of times with a same question." Sagot niya kahit na alam kong nalilito siya.

"Wala. Nakakalimutan ko lang na naitanong ko na pala 'yan." Natawa ako. "Susuportahan kita sa lahat ng gusto mo, Bullet…" kahit na malapit na akong mabaliw kaka-overthink.

His lips curved a smile. "Thank you, Zane. That is what I really need right now. Gusto ko kasama kita sa pag-abot ko sa pangarap ko."

Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko masabi ang ilang araw at gabi kong pag-iisip. Natatakot kasi ako na baka ako pa maging dahilan kung bakit siya magdadalawang-isip sa pagsusundalo. Ayoko naman mangyari 'yon.

"May pupuntahan tayo?" Tanong ko.

Napansin ko kasing lumagpas na kami sa kanto pauwi sa bahay namin.

"I asked tita and Gil if I can take you on a date. They agreed so I'll take you on a date." He replied.

"Oh, okay… pero saan tayo?"

"Secret," nakangisi niyang sagot. Napangiti na lang ako.

Hindi ko maiwasan mamangha nang marating namin ang lugar kung saan kami magda-date. Ito yung bagong bukas na tourist spot malapit dito sa lugar namin. Nakita ko 'to online at sabi sa mga comments sobrang ganda daw ng mga spots dito sa area.

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon