ABI
Habang papunta sa hospital walang umiimik sa aming dalawa. Malapit lang naman sa bayan yung hospital na pagdadalhan niya sa akin kaya dalawa na lang kaming pumunta dito.
Pagkatapos ng nangyari kanina mas lalo ko lang naramdaman na nilalayuan ako ni Bullet. Kahit siya ang kasama ko ngayon ramdam na ramdam ko ang pagiging distansya niya sa akin.
Pinaiwan ko na lang siya sa kotse pagdating namin sa hospital. Kaya ko naman na ipagamot ang sarili ko. Tama na yung naging pabigat ako kanina.
"Ma'am, kailangan po namin magsagawa ng ilang tests para po masiguradong walang implikasyon sa ulo mo." Sabi nung nurse na tumingin sa akin.
"Pwede ko na bang magawa yung mga tests na sinasabi niyo ngayon?"
"Pasensya na po, ma'am. Sobrang dami po kasi naming pasyente dahil sa nangyaring giyera noong nakaraan. Bukas ka pa po namin mabibigyan ng schedule para sa mga gagawin sayo."
Natigilan ako. Halata naman na marami silang pasyente dahil yung ibang tao dito sa emergency room nasa sahig na nakahiga.
"Sige, nurse. Pakilinisan na lang 'tong sugat ko. Babalik na lang ako sa schedule na ibibigay niyo."
"Sige po, ma'am. Kukuha lang po ako ng mga gagamitin."
Nang simulan niyang gamutin iyon wala na akong nararamdaman na sakit. Nilagyan niya iyon ng benda na pinaikot sa ulo ko. Sabi niya agahan ko na lang daw bumalik bukas para maisingit niya ako sa pila.
Nang matapos kong pirmahan ang mga kailangan kong pirmahan lumabas na ako ng emergency room. Habang naglalakad naman ako palabas ng hospital nag vibrate naman ang cellphone ko dahil sa isang tawag mula kay kuya Gil.
Nataranta ako nang makitang video call iyon. Napahawak ako sa ulo kong may benda. Hindi niya ito pwedeng makita! Magwawala 'yon at baka lumipad iyon bigla papunta dito para sunduin ako.
Besides, he doesn't know I was sent here in this hell.
Napalunok akong sinagot ang tawag pero pinatay ko agad ang camera. Siya naman ay kumakain. Nakapatong ang cellphone niya sa lamesa. Naka complete police uniform pa siya. Break time siguro nila kaya nakatawag sa akin.
"K-Kuya…"
["Uuwi ako sa bahay next week. Kung hindi ka busy diyan sa kampo umuwi ka muna."]
"O-Opo, kuya Gil. Magpapaalam na po agad ako para makauwi ako."
[Bakit nakapatay camera mo? Gusto kitang makita."]
"H-Huwag na!" Tumaas ang boses ko. Nakita kong nangunot ang noo niya at napatitig sa camera ng cellphone niya.
["Nasaan ka?"]
"N-Nasa kampo. Training pa rin, kuya." I lied.
["Patingin."] Istrikto niyang sabi.
Mas kinabahan ako. Nandito pa rin ako sa loob ng hospital. May benda ang ulo ko at wala ako sa kampo.
["Abigail, buksan mo ang camera mo."]
"Sorry kuya pero kailangan ko na bumalik sa training. Tinatawag na po ako ng mga kasamahan ko."
["Si Khal nandiyan?]
"O-Oo. Kanina nakita ko sila ni Sir Hegel magkasama papasok doon sa office. Minsan ko lang siya makita dito sa kampo kasi maraming misyon na binibigay sa kanila." Nagsinungaling ulit ako.
Kung kanina wala akong nararamdamang sakit sa ulo ko nung nilinisan ito pero ngayon kumikirot na ito. Bigla akong naistress sa mga tanong ni Kuya. Hindi kasi ako nagpaalam sa kanila ni mama nung pinadala kami dito.
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
ActionYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
