BULLET
Part 2
"Tita, I'm sorry ngayon ko lang po siya naihatid." Bumeso muna ako sa kanya bago sinabi iyon.
Nasa taas na si Zane. Hating gabi ko na siya naihatid pauwi. We stayed in my condo for hours after what we did in the parking lot. Paghatid ko sa kanya umakyat agad siya sa taas dahil may 8:00 am class pa siya bukas.
Aalis na rin sana ako nang pigilan ako ni Tita para kausapin. Wala pa siyang sinasabi kinabahan na ako.
"Hiwalayan mo na ang anak ko, Khal." Tita Eve seriously told me. My whole world stops for a second.
"Tita?" I blinked. I couldn't believe what I just heard. Lumingon ako kay Gil na nananahimik sa tabi niya. "What… what do you mean po?"
"Kung si Abi ang kakausapin ko sigurado akong hindi 'yon makikinig sa akin. Ikaw na lang tutal mukang alam mo na rin naman ang dahilan kung bakit ko 'to hinihiling sa'yo."
Hindi ako nakapagsalita. Gil can't even look at me. I'm trying to understand what the heck is happening but my head went blank.
She took a deep sighed. "Khal, ngayon lang ako makikiusap sayo. Hindi ko kayo pinakialaman ng anak ko nung naging kayo pero ngayon mangengealam na ako. I was there, Khal. Nakita ko kung paano umikot na lang sayo ang mundo ng anak ko. Kayang-kaya niyang gawin lahat para sayo, Hijo."
"I already talked to her, Tita. Nangako na po siya sa akin na hindi na siya mag cu-cut ng classes for me." Inagapan ko na ang kung ano man ang iniisip niya ngayon.
"Ilang beses na ba natin siya kinausap tungkol diyan, Khal?" Tumaas ang kilay niya.
"Tita…"
"Khal, I'm sorry. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral si Abigail. College na siya. Magiging teacher siya like me. Nung hindi ka pa pumapasok sa military everything is fine, Hijo. Pero nung nag-umpisa ka na mag training parang nawala na rin sa amin ang anak ko. Hamakin mo, gusto niya na rin maging sundalo para sundan ka. Ilang beses na siya nag cutting classes para lang puntahan ka. Yung mga importanteng school works niya hindi niya inaasikaso. Panay pangungulit niya pa sa amin ng kuya niya na payagan namin siya lumipat ng course para pag graduate niya daw papasok din siya sa military."
I feel like my world stops the moment I hear all of those words. It crashes my heart into pieces. Napayuko ako. Kahit ako naman nakikita ko rin 'to kay Zane.
She held my hand and gently squeezed it. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. She is now in tears, and it breaks me more.
"Hijo, I like you for my daughter. You're a good man. Hindi ikaw ang problema dito. Alam ko, alam namin ni Gil na sa lahat ng lalaki, ikaw ang pwedeng-pwede namin pagkatiwalaan pagdating sa anak ko pero Khal, please, ibalik mo muna ang anak ko sa amin."
Nakatulala ako hanggang sa makauwi ako sa condo. Gil tried to talk to me and explain but I couldn't talk to him. Masakit para sa akin na hilingin nila na ibalik ko si Zane sa kanila.
Para na rin kasi nilang hiniling na magpakamatay ako.
Nasa isip ko lahat ng sinabi ni tita sa akin. Sa tuwing titingin ako sa girlfriend ko gusto kong umiyak at humingi ng sorry. Nahihiya akong humarap sa kanya. Everytime she talks about our future, I feel like I'm betraying her.
"Paano pag nagka-anak tayo, Mahal? Anong gusto mo? Boy or girl?" She excitedly asked while I'm busy cooking for our dinner.
Tomorrow, I will be leaving for my first ever mission. May kalayuan ang destino namin kaya pinagpaalam ko kay tita na dito muna si Zane sa akin hanggang sa makaalis ako.
"Kahit ano naman ayos lang sa akin, Zane." I smiled.
"Gusto ko boy!" Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa high chair bago tumakbo palapit sa akin. "Tapos dapat kasing gwapo at bait mo, Mahal…"
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
AcciónYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
