Kabanata 6

8K 145 52
                                        

ABI 

"Dito ka na lang ulit tumira, Khal..." 

I quickly turned my full attention to mama when I heard her saying that. Kumagat ito sa burger na hawak niya bago tumingin kay kuya Bullet na natigilan sa pagkain. 

"Mag-isa ka lang doon sa condo mo. Hindi ka ba na boboring? Atleast dito may kasama ka. Makakakain ka ng lutong bahay hindi yung puro cup noodles ka lang. Sinabi sa akin ni Gil na panay order ka lang sa labas. Hindi magandang puro ganun ang kakainin mo lalo na may balak kang mag sundalo." She continued. 

"Oo nga, pre. Wala ka namang kasama do'n sa condo mo. Tsaka yung kwarto mo naman diyan sa taas sa'yo pa rin." Sabi naman ni kuya Gil bago kumagat din sa burger niya. 

"Dito ka na lang, anak… atleast dito masusubaybayan ko kayong tatlo. Paupahan mo na lang kaya ang condo mo habang nandito ka para dagdag allowance mo?" 

Paulit-ulit naman na tumango si kuya Gil para umagree sa sinabi ni mama.  

"Pre, tama si mama. Dito ka na lang ulit para masubaybayan din natin yung isa diyan sa walang ibang ginawa kundi ang makipag-usap sa Dwight na 'yon." Parinig niya. 

I gave him a side eye. "Ang sama talaga ng ugali mo." 

"Oh, bakit? Sinabihan na kitang manahimik ka sa pakikipag-usap sa Dwight na 'yan di ka talaga nakikinig sa akin." 

"Eh manliligaw ko 'yon bakit mo ba ako pinipigilan, ha?!" 

"17 ka pa lang, Abigail! Hindi ka pa pwede—"

"Sasagutin ko naman siya pag 18 na ako, kuya! 3 months na lang birthday ko na. Malapit na akong mag 18. Tsaka huwag kang mag-alala kahit na sagutin ko si Dwight mag-aaral pa rin naman ako ng maayos." Naiinis kong sabi sa kanya. 

"Talagang sinabi mo pa sa akin 'yang plano mo, ah? 18 talaga ha…" 

"Oo, kuya Gil. Saktong-sakto sa pag 18 ko sasagutin ko na si Dwight. Magkakaboyfriend na ako at wala kang magagawa kung sino man ang iboboyfriend ko. Si Dwight man 'yan o kahit kaibigan mo—" 

Pare-pareho silang natigilan dahil sa sinabi ko. Unti-unting nanlaki ang mata sa akin ni kuya Gil. Si mama naman napalingon kay kuya Bullet kaya napatingin din tuloy ako sa kanya. He's now looking at me with his confused reaction. 

I cleared my throat. "Si k-kuya Drew… t-tama! Si kuya Drew nga… gwapo siya sa paningin ko." Palusot ko. 

Ano daw? Ni hindi ko na nga maalala yung mukha niya kahit kanina ko lang siya nakita. 

"Si Drew?" Hindi makapaniwala niyang usal. 

Tumango ako. "O-Oo, si kuya Drew. Pwede ko siyang iboyfriend… pag 18 na ako." 

"Ako ba pinagloloko mo, Abigail Zane? Si Drew gusto mong i-boyfriend pag 18 ka na?" 

"O-Oo… pwede." 

"May kalive-in partner 'yon bangag ka ba?!" Bigla itong tumayo para abutin ako kaya agad akong tumakbo papunta kay mama at kuya Bullet. "Abigail!"

Sumampa ako sa sofa at nagtago sa likod nilang dalawa. 

"Mama si kuya, oh!" 

"Ang sarap mong tirising bata ka!" Aabutin niya sana ulit ako nang iharang ni kuya Bullet ang kamay niya sa dibdib ni kuya Gil. 

"Tama na, pre." He said as he gently pushed him away. "She's just… joking," aniya at nilingon ako. "... right, Zane?" 

Hindi ako sumagot. Yumuko ako at mas lalong nagtago sa likod ni mama. 

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon