ABI
Pagkatapos namin sa field dumiretso naman kaming lahat sa ROT area. Kasabay ko sila Rita at Sir Tristan na naglalakad papunta doon. Si Bullet naman nasa likod namin na nakasunod, kasama na niya ngayon si Sir Miggy at Ma'am Aera. Mas lumapit sa akin si Rita.
"Nakita kong nag-uusap kayo kanina. Okay na kayo?" She asked quietly.
Umiling agad ako. "Hindi kami okay, Rita. Kinausap niya ako pero hindi ibig sabihin nun okay na kaming dalawa."
"Tigas ah? Hindi na ikaw 'yan."
I smirked. "They made me like this."
Pagdating namin sa training area binigyan agad kami ng instructions ni Sir Miggy. Si Bullet nga ang kailangan naming i-rescue. Si Ma'am Aera at Sir Miggy naman ang titingin sa gagawin namin.
"Rescue your ex daw, Abi." Malokong sabi ni Rita sa akin.
"Kung hindi lang talaga tayo titignan nila Ma'am Aera at Sir Miggy hahayaan ko talaga yung lalaking 'yon."
"Huwag ka namang ganyan... para namang hindi mo mahal na mahal-"
"Minahal. Hindi ko na siya mahal, Rita." I corrected her.
"Ay okay po. Sorry po." Nag peace sign siya sa akin.
"Baylon, Sison, you two are partners in this task." Ani Ma'am Aera. Nagbaba siya ng tingin sa hawak niyang file.
Nagkatinginan kami ni Sir Tristan. Ngumiti ito sa akin at nakipag fist bump. Nginitian ko rin siya at nakipag fist bump din. Nang magbalik naman ako ng tingin sa harapan kung nasaan si Ma'am Aera, Sir Miggy at Bullet, napawi ang ngiti ko.
Nakatingin silang tatlo sa gawi namin ni Sir Tristan. Pagkatapos akong tignan ni Sir Miggy at Ma'am Aera, tumingin naman sila kay Bullet na para bang inaabangan ang magiging reaksyon nito.
Napako ang tingin ko kay Bullet. His reaction is blank. Mayamaya tumalikod na ito at naglakad na papasok sa loob ng gusali kung saan kami magsasagawa ng rescue operation.
Tumikhim si Ma'am Aera. "Anyways... si First Lieutenant Ferrer ang magsisilbing subject natin dito sa rescue operation na gagawin niyo. Some of the members of SEF will be playing the role of bad men who abduct Bullet Ferrer. Your task is to rescue first lieutenant Ferrer and to ensure his safety."
"Paano mo naman kaya ililigtas yung taong dahilan ng galit mo?" Bigla na lang nagsalita si Rita sa gilid ko.
Pinagkunutan ko siya ng noo. "I work professionally, Rita. I can rescue him without any feelings involved."
"Ah okay. Sige, sabi mo 'yan, eh." Nakangisi niyang sabi.
"You only have 10 minutes to rescue our subject." Dugtong pa ni Ma'am Aera.
10 minutes lang? Ang taas-taas ng building. Hagdan lang ang pwedeng gamitin. Pagpasok pa sa loob may sasalubong pa sa aming kalaban. How is that even possible?
"Galingan niyo, guys. Kaya niyo 'yan. Yakang-yaka niyo 'yan!" Ani Sir Miggy sa amin. Hindi naman nakatulong yung sinabi niya.
Pagkatapos magbigay ng iba pang instructions, nagbigay muna sila ng 5 minutes para maghanda. Nag strategize na rin kami kung ano ang gagawin. Dahil kami ni Sir Tristan ang partners, sa aming dalawa binigay ang task ng pag rescue mismo kay Bullet. Si Rita naman at iba pa naming kasamahan ang bahala sa mga kalaban.
"Goodluck," tinapik ni Rita ang balikat ko. "Harsh ka na kasi masyado kay Sir Ferrer. Kinakarma ka na ata."
"Rita sino ba talaga kinakampihan mo, ha?" Tinaasan ko siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
ActionYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
