Kabanata 19

8.6K 141 39
                                        

ABI
R-18

"Matulog ka na." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para igaya papunta sa kama niya.

Pinaupo niya ako doon bago yumuko para dampian ng halik ang noo ko.

"Goodnight, Zane." Mahinang aniya tsaka ako tinalikuran.

I looked at his back with my disappointed face. Hanggang sa maisarado niya na ang pinto ng kwarto nandoon pa rin ang tingin ko.

Napabuntong hininga akong nagbaba ng tingin. I feel so embarrassed. Ako pa talaga ang nagyayaya sa kanya… at siya pa talaga ang tumanggi!

"Bakit kasi napaka gentleman mo, Bullet?"

Sa inis ko napahampas ako sa kama. Tinanggal ko ang suot kong sapatos pati na rin ang slacks ko. Galing rin kasi akong school kanina, dumiretso ako kila kate kaya hindi ako nakapagpalit ng suot.

Humanap ako ng t-shirt na pwede kong masuot sa damitan ni Bullet. Nakakita ako ng peach color shirt doon kaya iyon na ang kinuha ko. May cycling shorts naman akong suot kaya safe pa rin naman tumalon-talon.

Bumalik ako ng upo sa kama. Napako ang tingin ko sa ilang bag na nakalagay sa gilid. Iyon ang mga dadalhin niya bukas. Talagang iiwanan niya na ako.

Napabuntong hininga na naman ako. Aalis na siya tapos magkahiwalay pa kami ng tutulugan ngayon. Matagal-tagal bago kami magkita ulit tapos ayaw niya akong katabi? Hindi niya ba ako mamimiss?

Gumapang ako sa kama tsaka humiga. Niyakap ko ang isang unan niya at nagtalukbong ng kumot. Amoy na amoy ko ang pabango niya sa unan at kumot. Mas lalo lang tuloy akong naiiyak dahil mamimiss ko siya ng sobra.

Hindi rin ako nakatulog kahit na anong gawin ko. Alas dose na ng hating gabi pero heto ako at mulat na mulat.

Tumayo ako para lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Bullet sa sala na natutulog. Tanging ilaw lang sa kusina ang nagsilbing liwanag dito sa sala.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Nang makalapit umupo ako sa gilid niya habang nakatingin sa mukha niya.

Gusto kong hilingin sa kanya na huwag na sana siyang tumuloy pero ang selfish ko naman kung ganun. Natatakot ako para sa kanya. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa kanya sa loob.

Hindi ko ata kaya magkaroon ng boyfriend na sundalo…

Napatakip ako sa bibig ko nang manginig iyon. Kasabay ng pagkagat ko sa ibabang labi ko tumulo ang luha ko. Pigil na pigil ko ang sarili kong huwag makagawa ng kahit na anong ingay sa pag-iyak. Nang nahihirapan na ako sa paghinga tumayo ako para tumakbo pabalik sa kwarto nang bigla naman siyang magmulat ng mata.

"Z-Zane?" Nataranta siyang bumangon para lapitan ako. "What happened? Why are you crying?"

"W-Wala…" nabasag ang boses ko. Sinubukan kong tumalikod sa kanya pero paulit-ulit niya rin akong pinapaharap sa kanya.

"I'm sorry…" niyakap niya akong bigla. Mahigpit na mahigpit. Iyong yakap hindi niya na magagawa bukas. "I'm so sorry, Abigail…"

"H-Hindi… h-hindi ka pa umaalis… namimiss na kita." Humahagulgol kong usal. "H-Hindi ko ata kaya…" Paulit-ulit akong umiling sa kanya.

"Zane…" humiwalay siya ng konti para matignan ang mukha ko pero yumuko ako. "Baby, look at me… please, Abigail."

"Stress na stress na ako, Bullet. I'm sorry… h-hindi ko dapat 'to s-sinasabi ngayon. I'm sorry, Bullet…" sinalubong ko ang tingin niya. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. "I'm really happy for you… pero h-hindi ko kaya." I broke down.

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon