ABI
"Pinatigil mo na manligaw si Dwight?" Gulat na tanong sa akin ni Kate.
Tinakpan ko ang bibig niya dahil lumakas ang boses niya. Napatingin pa sa amin ang mga kaklase namin.
"Hinaan mo naman 'yang boses mo, Kate."
"Pero bakit? Ikaw hindi ka nagsasabi sa akin ng mga nangyayari sayo. Kung di pa nagpasukan 'di ka pa magkukwento." Kunwari'y nagtatampo niyang sabi.
"Kasi nga gusto ko sa personal sabihin. Eto na nga, oh, nagsasabi na nga sayo, 'di ba?"
"Oh anong dahilan bakit pinatigil mo na si Dwight?"
Napangiti ako. Nagpipigil sa kilig akong nagtakip ng mukha pero bago ko pa man matakpan ang mata ko nakita kong lumaki ang mga mata niya.
"Don't tell me… Abigail!"
"Shhh!" Tinakpan ko ulit ang bibig niya.
"Jowa mo na si kuya Bullet?" Nanlalaki ang mga mata niyang tanong. Tumango ako. "Ay langhiya ka girl!" Napatili siya at bigla na lang akong pinaghahampas. "Matanda pala ang nais mo!"
"Aray, Kate!" Umusog ako ng konti para hindi niya ako maabot.
"Kailan pa? Alam ba ng kuya mo? Nagalit ba sila? Anong sabi nila? Ang daya mo di mo agad sinabi sa akin!"
"Nung pasko lang naging kami. Hindi alam nila kuya na kami pero ang alam nila nanliligaw siya sa akin. Sinagot ko na agad kasi di ko mapigilan." Aniko at natawa.
"Panis! Favorite ni Lord… crush niya lang dati jowa niya na ngayon." Mapanuksong aniya. "Ano kamusta siya maging jowa? Sweet ba? Or nonchalant pa rin gaya ng mga kwento mo dati?"
Imbes na sumagot kinikilig akong tumawa. Natawa din siya pero yung kilig niya may kasama talagang hampas kaya lumayo ako ng konti.
"Super sweet niya, Kate. Lahat na lang ng gagawin niya sa akin kinikilig ako. Sayang nga kasi bumalik na siya sa condo niya. Pinagbawalan din ako ni kuya at mama pumunta doon pag ako lang mag-isa."
Noong nalaman nila mama na babalik na si Bullet sa condo niya iyon agad ang sinabi nila sa amin. Bawal akong pumunta sa condo niya ng hindi nagpapaalam at walang kasama.
Nagustuhan din ni mama ang desisyon na 'yon ni Bullet lalo na daw ngayon na nanliligaw— boyfriend ko na siya. Si kuya naman sinisi pa ako dahil hindi naman daw sana aalis si Bullet kung hindi ko inakit ang kaibigan niya!
Pagtapos ng klase sabay na kami ni Kate bumaba. Nakasalubong din namin si Dwight dito sa hagdan pero nung tinawag siya ni Kate hindi ito lumilingon sa amin. Galit pa rin talaga siya sa akin.
"Kate, ikaw na lang magsauli nito kay Dwight. Paki sabi sorry talaga." Inabot ko ang binigay niya sa aking regalo.
"Sige. Sayang… bagay naman kayo ni Dwight pero mas bagay kayo nun, oh…" nakangiting aniya at nginuso ang labas ng campus. "Ayan tayo, eh. Pag may jowa na mahirap na makasabay sa uwian."
Napangiti ako nang makita ko si Bullet sa labas ng campus, naghihintay sa labas ng kotse niya. Kumaway ako sa kanya at ganun din siya. Nakasuot siya ng school uniform habang hawak ang susi ng kotse.
"Sabay ka na sa amin, Kate."
"Ay no!" Tanggi niya agad. "Ayoko maging third wheel sa inyong dalawa."
"Ikaw naman, sige na! Sabay ka na…"
"Hindi ayaw ko, Abi. Mag je-jeep na lang ako." Umiling-iling pa siya. "Halika na…"
Nagpatuloy na ulit kaming maglakad palabas ng campus. Napapatingin na naman kay Bullet ang mga nakasabayan naming mga estudyante.
"Hi, kuya Bullet!" Kumaway sa kanya si Kate. "Sayo na ulit 'tong bestfriend ko…" aniya at mahina akong tinulak papunta kay Bullet.
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
AkčníYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
