Kabanata 2

8.7K 138 30
                                        

ABI

Paggising ko kinaumagahan binuksan ko agad ang Instagram ko para tignan ang pag follow sa akin ni kuya Bullet. Kung kagabi natulog akong nakangiti ngayon hindi na.

"Ba't nawala?" Bumangon ako para icheck iyon ng mas maayos. "Tinanggal?"

He's not following me na! No post and no following na ulit ang account niya. What was that? Panaginip ko lang ba na finollow niya ako?

"Hindi ko pa naman na screenshot 'yon…" I said in disappointment. Hinagis ko ang cellphone ko sa kama bago walang ganang tumayo. "Maybe he just accidentally followed me? Pero bakit kailangan bawiin?!"

Naligo muna ako bago bumaba para mag-almusal. Now that he's living with us araw-araw na tuloy akong maliligo dahil ayaw ko naman mag mukhang dugyot sa harapan niya. Nakakahiya.

Saktong pagbaba ko sa dining area nandoon na silang tatlo, si mama, kuya Gil at kuya Bullet. Napatingin pa silang tatlo sa akin. Si kuya Gil at kuya Bullet mga nakasuot ng pang-alis, si mama naman halatang kakatapos lang mag-luto.

"Hoy pangit kain na…" aya sa akin ni kuya Gil. Pinanlakihan ko siya ng mata at sinimangutan. "Pangit mo."

"Ang aga-aga, kuya, ah!"

"Ang aga-aga, kuya, ah!" Nang-aasar niya pa akong ginaya!

"Gil, Abi, ang aga-aga nagbabangayan na kayong dalawa. Mahiya naman kayo kay Bullet." Sabat ni mama.

I glanced at kuya Bullet but he's busy eating his food. Binalik ko na lang ang tingin kay kuya Gil at mas sinamaan siya ng tingin.

"Ito kasing si kuya, eh. Papansin." I even rolled my eyes on him.

"Tusukin ko 'yang mata mo." Banta niya.

"Gawin mo!" Tinarayan ko ulit siya.

Napabuntong hininga si mama na umiling sa amin. "Gil, matanda ka na huwag mo na patulan ang kapatid mo." Ani mama tsaka lumingon sa akin. "Halika ka na dito, Abigail Zane, kumain ka na."

I devily smiled at Kuya Gil to annoy him. Pinandilatan niya ako ng mata niya kaya pinandilatan ko rin siya. But I quickly fixed my reaction when I caught kuya Bullet already looking at me.

"Good morning po," I greeted. Para sa kanilang lahat 'yon.

Umupo ako sa tabi ni mama. Nilalagyan niya na ng pagkain ang plato ko habang nakangiti lang akong naghihintay matapos siya.

"Thank you, mama…" mahinang aniko sa kanya.

"Kumain ng marami, Abigail."

"Opo." I nodded.

Tinuon ko na ang buong atensyon ko sa pagkain ng almusal. Paminsan-minsan sumusulyap ako kay kuya Bullet pero sandali lang dahil baka mahuli ako ni kuya Gil. Tahimik lang siguro talaga siya. Magsasalita lang siya pag tinatanong siya ni mama o ni kuya. Sayang. I like his voice pa naman. It's gentle and calm.

"Anong oras ang uwi niyo mamaya?" Mama asked kuya Gil.

"It depends, ma. Pag maaga kami matapos mamaya sa event uuwi din kami agad."

"Okay. Khal, kumain ka ng marami para hindi ka magutom sa school niyo. Gil, kumain ka rin ng marami." Ani mama kaya nag-angat ako ng tingin kay kuya Bullet to see his reaction.

"Yes, tita, thank you po." Aniya at ngumiti kay mama.

Napangiti rin ako habang nakatingin sa kanya. Nang bigla nitong ilipat ang tingin sa akin sinubo ko agad ang tinapay at nag-iwas ng tingin. Muntik pa akong mabulunan buti na lang napigilan ko! Inabutan ako ni mama ng tubig kaya kinuha ko agad iyon at ininom.

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon