ABI
Kinaumagahan paggising ko lumabas agad ako ng kwarto pagkatapos maghilamos at mag toothbrush. Wala na si mama sa tabi ko nang magising ako. Mukang lahat din sila gising na dahil sa ingay na naririnig ko sa baba.
"Good morning, Zane..."
Gulat akong napalingon sa likod ko nang marinig ko ang boses na iyon. Napahawak ako ng mahigpit sa railings ng hagdan nang magsalubong ang tingin namin. Nag-init bigla ang pisngi ko lalo na nung maglakad na siya palapit sa akin habang nakangiti.
"G-Good morning po." Mahinang usal ko at nag-iwas ng tingin.
Naalala ko lang bigla ang mga pinag-usapan namin kagabi! Nakakahiya tuloy humarap sa kanya.
"You're still… mad at me?"
"Hindi!" Umiling agad akong humarap sa kanya. "Kain na tayo? Nasaan si kuya Gil?" I changed the topic.
"He's still inside— there he is…" tinuro niya si kuya Gil na kalalabas lang ng kwarto nila.
"Uy pangit!" Aniya agad nang makita ako.
Awtomatikong umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya. Ang aga-aga na naman niyang mang-aasar sa akin.
"Ano sama ka sa amin sa bukid?" Tanong niya nang makalapit siya sa amin ni Bullet– ahm kuya Bullet.
"Anong gagawin do'n?"
"Inutusan kami ni lola kumuha ng mga kahoy para sa handaan bukas. Maliligo din sa ilog tapos mamimitas din ng mangga. Sama ka?"
Sandali ko pang inisip 'yon bago sumagot.
"Hindi na. Kayo na lang tinatamad kasi ako." Aniko at tumalikod na.
"Aba hanggang ngayon wala ka pa rin sa mood?" Sumunod sa akin si kuya Gil.
"Okay na ako. Tinatamad lang talaga ako, kuya. Kayo na lang. Marami naman kayo do'n."
"Sabi nga kasi ni lola isama ka namin kasi malungkot ka daw."
"Hindi ako malungkot, ah!" Mamaya iyon talaga ang isipin niya kaya wala ako sa mood kahapon.
"Sumama ka na kasi! Mapapagalitan pa ako ni mama at lola dahil sa'yo, eh."
"Ayaw ko nga, eh! Tinatamad nga—"
"Isusumbong kita kay mama at lola sasabihin ko nag-iinarte ka na naman." Aniya at biglang tumakbo pababa.
Napailing na lang ako. Mayamaya tumayo si kuya Bullet sa tabi ko kaya nilingon ko siya.
"Sama ka na, Zane."
"Ha?"
"It would be so much fun if you come with us. C'mon, Zane… hmm?" He said with his soft voice.
"Wala naman kasi akong gagawin do'n. Tsaka ano…" wala akong maisip na pwedeng ipalusot. Nahihiya kasi talaga ako sa kanya. Abnormal na ang ang tibok ng puso ko pag malapit siya tapos sasama pa ako.
"Gusto kitang kasama, Zane."
Napaubo akong nang bigla niyang sabihin iyon. Muntik pa akong ma-out of balance mabuti na lang nahawakan niya ako.
"Baka may makarinig sa'yo, kuya Bullet." Mahina at nanlalaki ang mata kong sabi.
"Kuya Bullet?" Tanong niya, mukang disappointed pa.
"Eh ano ba dapat?"
"Bullet lang. I like it like that, Zane."
"Pero hindi naman pwedeng tawagin kitang Bullet lang lalo na sa harap ng mga kamag-anak ko. Masasabihan pa akong walang respeto sa'yo niyan."
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
AksiYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
