ABI
Nakatulog ako habang nakayakap kay Bullet. Kanina nag-uusap lang kami pero hindi ko namalayan na tinulugan ko na pala siya. Hindi nagbago ang posisyon ko. Nung nagising ako nakayakap pa rin ako sa kanya.
Hinaplos ko ang pisngi ni Bullet. Natutulog din siya ng mahimbing. Napangiti tuloy ako habang nakatitig ako sa mukha niya.
"Ma'am…"
Natigilan ako nang may narinig akong boses ng babae sa bandang paanan ko. Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin doon. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang nurse.
"Kailangan ko pong linisin ang sugat mo, Ma'am." Inunahan niya na magpaliwanag.
"Ah, oo!"
Uupo sana ako pero hindi ko naman magawa dahil nakirot ang mga sugat ko tuwing gumagalaw.
"Tulungan na po kita…" lumapit siya sa akin para maalalayan akong makaupo.
"Thank you." I smiled at her. "Kanina ka pa dito?"
"Hindi naman po, Ma'am."
Pareho kaming napatingin kay Bullet. Natutulog pa rin ito. Hindi man lang siya gumalaw kahit na ang likot ko sa tabi niya. Pagod na pagod siguro talaga siya. Siya ang nagbantay sa akin magdamag. Tama lang na magpahinga siya.
Tumalikod ako sa nurse dahil yung sugat ko sa likod ang lilinisin niya. I'm wearing a lab gown so it's easier for her to clean my wound.
"Twice a day mo po palinisan yung sugat mo, ma'am, para po hindi siya mainfection. Yung sa ulo mo naman po may sugat at bukol. Nagsagawa na rin po kami ng test diyan wala naman pong komplikasyon sa loob. May bukol at sugat po pero mawawala naman po 'yon." She explained.
"Thank you, nurse."
"Nasabi na rin po ni Doc ang mga reminders sa boyfriend mo, Ma'am."
Hindi ako nakasagot. Nginitian ko lang siya. Bumaling ako kay Bullet na hanggang ngayon ay natutulog pa rin.
Boyfriend…
Pagkatapos ng nurse sa ginagawa niya lumabas na rin ito. Bumalik ako ng higa sa tabi ni Bullet. Habang tulog na tulog siya nakatitig naman ako sa mukha niya. Dahan-dahan kong hinaplos ang hintuturo ko sa ilong niya hanggang sa marating niyon ang labi niya.
Akala ko gigising na siya pero hindi pa rin. Hinawakan niya lang ang kamay ko at ginaya iyon payakap sa kanya. Tumagilid siya para mayakap ako. Nakapikit pa rin siya pero nagawa niya pa rin akong halikan sa noo bago bumalik sa pagtulog. Pinaglaruan ko na lang mahaba niyang buhok.
"Bakit hindi ka nagpapagupit?"
I didn't expect any answer from him. Pinaglaruan ko na lang ulit iyon at di na pinansin kung sasagot ba siya o hindi.
"I won't cut my hair until I finally get back to you." He murmured.
Napakurap ako. Nag-init agad ang pisngi ko sa sinabi niya. Napatitig ako sa mukha niya pero hindi pa rin siya nagmumulat ng mata.
"Edi magpapagupit kana?" Because he's back to me.
Ngayon pa lang siya nagmulat ng mata. Sinalubong niya ang tingin ko.
"Gusto mo?"
I shook my head. "Uhm… hindi. Gusto ko yung buhok mo ngayon. Ang gwapo-gwapo mo."
"Hindi ba ako gwapo dati?"
"Gwapo. Gwapo ka kahit anong hairstyle mo. Kahit kalbo bagay sa'yo." Natawa ako sa huling sinabi.
"No," angal niya. "I look like stupid old bald man."
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
AksiYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
