ABI
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata nang naalimpungatan ako. Unang tumama ang tingin ko sa puting ilaw sa kisame. Napapikit ulit ako dahil doon.
Nang bumaling naman ako sa gilid nakita ko doon ang mga prutas at bulaklak na nakapatong sa side table. Mata ko lang ang nilibot ko sa buong kwarto. Nasa ospital ako. Wala akong kasama. Umaga na rin dahil maliwanag sa labas.
Kinapa ko ang ulo ko. May benda pa rin iyon at may kirot ang bandang sugat ko. Nang tangkain ko naman kumilos para tumayo may kumirot naman sa likod ko.
"Ah…" pinirmi ko ang sarili ko.
Masakit ang left side ng likod ko, malapit sa balikat. Dito pala ako nabaril. Hindi ko kasi iyon maramdaman noong gabing nabaril ako.
Napabuntong hininga na lang akong tumitig sa bintana. Nasaan kaya si Bullet? Ligtas kaya siya?
Hindi ko maiwasang isipin siya. Bago ako nawalan ng malay narinig ko pa silang nagtatalo tungkol sa pag bomba sa hideout. Pinipigilan nila si General Abe gawin 'yon. Galit na galit si Bullet sa kanilang lahat. Narinig ko siyang nagwawala bago ako nawalan ng malay.
Napalingon agad ako sa pintuan nang bumukas iyon. Niluwa nun si Sir Tristan. May dala siyang bulaklak. Nang magsalubong ang tingin namin nanlaki ang mata niya at nagmadaling lumapit sa akin.
"Zane!" Masayang aniya. Nilapag niya ang hawak na bulaklak sa lamesa. "Buti naman gising ka na…"
Nginitian ko siya. "Kakagising ko lang po, Sir."
"Makakahinga na rin ako ng maluwag. Masaya akong ligtas ka, Abi."
"Thank you, Sir. Masaya rin po akong ligtas ka." I genuinely said.
"Ngayon lang ako nakadalaw. Inasikaso kasi namin yung mga tropang napuruhan sa giyera. Nung hindi pa namin nahahanap ang hideout bumalik kami sa base. Dinala agad namin sa hospital ang mga pwede pang maisalba. Yung iba kasi wala na." Kuwento niya.
Napawi ang ngiti ko. Naalala ko bigla si Rita. Wala na nga pala akong buddy. Iniwan niya na pala ako.
"Actually galing din akong ICU. Rita is one of the soldiers who's still in critical condition. Hindi pa siya—-"
"Si Rita?" Nabuhayan ako bigla. He said Rita. She's alive?
"Oo. Nung bumalik kami sa base nahanap namin siya sa ilalim ng gumuhong barracks."
"Pero sabi ni Bullet wala na daw si Rita."
"Iyon din naman ang akala ko, Abi. Sabi nung doctor temporary daw na tumigil ang puso ni Rita dahil sa sunod-sunod na explosion. Bumalik yun nung naidala na siya dito. Pero kung natagalan pa daw kami ng rescue sa kanya baka isa na rin siyang nawala sa atin."
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Naiyak na lang ako. She's alive. My buddy is alive. Akala ko iniwan niya na talaga ako. Thank you, Lord.
"She's alive…" umiiyak pero nakangiti kong sabi kay Sir Tristan.
"Mamayang gabi ang uwi natin sa manila. Dumating sila Captain Javier dito. Sila ang umasikaso sa naging problema kay General Abe. Sinapak din kasi ni Sir Ferrer si General Abe kaya lalong nagkaproblema. Gustong patawan ni General Abe ng disciplinary action si Sir Ferrer pero hindi pumayag sila sir Villafuerte at Captain Javier."
Sinapak ni Bullet? Tinotoo niya talaga ang sinabi niya.
"Natuloy po ba ang pagbomba sa hideout?"
Umiling siya. "No. Napigilan namin siya nila Colonel at Sir Ferrer. Nagpupumilit siyang pasabugin iyon kahit na nandoon pa kayo sa loob at wala na doon ang mga kalaban. Maraming umalma kaya di na natuloy."
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
ActionYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
