ABI
"A-Anong s-sabi mo?" Nauutal kong tanong nang maproseso ng utak ko ang sinabi niya.
"Ha?"
"Yung sinabi mo kanina... a-ano 'yon?"
"May sinabi ako?" He said, pretending like he didn't say those words to me!
I didn't talk back. Tinitigan ko lang siya hanggang siya ang unang bumasag sa katahimikan namin.
"Let's go inside na, Zane." Aya niya, iniba ang topic naming dalawa.
Napabuntong hininga akong kinuha ang cellphone ko bago siya muling hinarap.
"Sige po, kuya." I emphasize the word kuya. Tumaas ang isa niyang kilay.
"C'mon, Zane..."
"Tsk," inirapan ko siya bago naunang maglakad papasok sa loob.
"Oh, anak, may dalang manggang hinog ang-"
"Matutulog na po ako, ma, kuya Gil. Goodnight sa inyong lahat." Sabi ko at nag dire-diretso na sa kwarto ko. Nag lock ako ng pinto bago tumalon sa kama.
Narinig ko 'yon ng malinaw! Hindi ako nagkamali sa narinig ko sa sinabi niya. Wait for the right time? Ano namang ibig niyang sabihin doon?!
"Ang labo mo, Bullet!"
Kinabukasan, hindi agad ako lumabas ng kwarto ko hangga't hindi umaalis sila kuya Bullet at kuya Gil. Ayaw ko siyang makita. Ang gulo-gulo niya kaya naiinis ako sa kanya.
Tanghali na ako bumaba para maghanda ng pagkain ko. Ako lang ulit mag-isa dito sa bahay dahil nasa school na silang lahat. Dahil mag-isa lang ako nagluto lang ako ng pancit canton with sunny side up egg. May natira pang kanin from breakfasts kanina kaya iyon na lang din ang kinain ko.
From: Dwight 💗
Are you free today? Gusto sana kitang yayain mag arcade sa festival mall.
Nagustuhan ko agad ang ideyang iyon kaya nag type agad ako ng irereply sa kanya.
To: Dwight 💗
I'm free! Kita tayo sa mall. Mag-aasikaso na ako 😽
From: Dwight 💗
Alright! See you later. Ingat ka sa byahe 🤍
Hindi na ako nag reply sa kanya. Umakyat na agad ako sa taas pagkatapos ko kumain. Naligo ako at nag make-up. Nagsuot lang ako ng light yellow cute dress.
Pagdating ko sa mall nagkita na lang kami sa entrance. Hindi naman namin pinag-usapan ang susuotin namin pero matchy kami ng color ng damit.
"Parang cute couple lang tayo." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"That would be so much happier if we were really a couple, Abi." Aniya naman.
Hindi ako nakasagot. Nginitan ko lang siya.
"No pressure, ah... Kahit ano pang isagot mo sa akin, kahit gaano pa katagal maghihintay ako." He added.
"Thank you, Dwight..."
Right! From now on, magfofocus na ako kay Dwight. Tama na talaga ako kay kuya Bullet. Move na talaga ako ng totoo. Si Dwight yung nandito noong hindi ko pa siya nakikilala kaya si Dwight lang din dapat ang binibigyan ko ng pansin.
"Gusto mo mag roller coaster?"
Nabaling ang atensyon ko sa kanya nang marinig ko ang tanong niya.
"Ayoko, Dwight. Hindi ko kaya. Gusto ko muna mag claw machine. Halika dali..." hinawakan ko siya sa kamay at hinila na papunta sa isang claw machine. "Gusto ko nitong teddy bear, Dwight!" Naeexcite kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
ActionYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
