Kabanata 10

8.2K 133 63
                                        

ABI

"Bakit ka umiiyak, anak?"

Agad akong yumakap ng mahigpit kay mama nang makalapit ito sa akin. Hindi ko na napigilan ang luha ko nang sumakay ako sa loob ng van matapos sabihin iyon ni kuya Bullet.

Umupo si mama sa tabi ko habang pilit na tinitignan ang mukha kong pilit ko rin tinatago sa kanya.

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Tanong niya pero hindi ako sumasagot. "Abigail… magsabi ka anong nangyari?"

Hindi pa rin ako sumagot. Nanatili akong nakayakap sa kanya habang walang tigil sa pag-iyak.

"Anak, ano bang nangyari?"

Umiling ako. Paano ko sasabihin sa kanya na umiyak ako dahil sa mga sinabi ni kuya Bullet sa akin? Paano ko sasabihin na parang dinudurog ang puso ko dahil sa isang lalaki na kahit sino sasabihin hindi naman siya pwede sa akin…

"Oh, anong nangyari diyan, ma?"

Mas lalo akong yumakap ng mahigpit kay mama nang marinig ko ang boses ni kuya Gil. Sinubsob ko ang mukha ko sa katawan ni mama para hindi niya makita ang pag-iyak ko.

"Bakit umiiyak 'yan? Anong nangyari?" Tanong ni kuya tsaka tuluyang pumasok dito sa loob.

"Hindi ko nga alam, Gil. Pagpasok ko dito naabutan ko na lang 'tong umiiyak. Hindi naman nangsasabi."

"Hoy pangit, bakit ka ngumangawa diyan?" Ani kuya Gil at pilit akong pinapahiwalay kay mama kaya tinabig ko ang kamay niya. "Bakit ka ba kasi umiiyak? Khal, umiiyak 'to, oh. Alam kung bakit 'to umiyak?"

Kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan niya. Mas kumirot lang tuloy iyon dahil naalala ko na naman ang mga binitawan niyang salita sa akin kanina.

Naramdaman kong pumasok na silang lahat at umupo sa likod. Nang makita din ako nila tito at tita, mga makakasama namin pauwi kila lola, nagtanong din sila kung anong nangyari sa akin pero kahit isa sa kanila wala akong sinagot.

"Ayan na nga ba sinasabi ko, Abigail. Iyang pakikipag-usap mo kay Dwight wala talagang magandang maidudulot 'yan, eh. Tignan mo nga, hindi pa kayo pinapaiyak ka na niya." Ani kuya Gil. Mas lalo akong naiyak.

Hindi naman kasi si Dwight! Mabait 'yon sa akin at hindi magulo hindi gaya ng kaibigan niya!

"Iyan kasi yung sinasabi ko sa kanya, Khal. Nanliligaw pa nga lang siya sa kapatid ko ganyan na ginagawa niya. Pinapaiyak niya na."

Wala akong narinig mula kay kuya Bullet. Syempre, paano nga din ba niya sasabihin na siya ang dahilan kung bakit ako umiiyak? Pareho lang kaming di makapagsalita ngayon.

Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak ko. Nakaunan na ako sa hita ni mama nang magising ko dahil naririnig kong nag-uusap si mama at tita. Bumangon ako.

"Oh, anak, ayos ka na ba?" Inayos ni mama ang buhok ko.

Hindi ko halos maimulat ang mga mata ko dahil namamaga na ito.

"Opo, ma." Nginitian ko siya bago tumingin sa bintana.

"Nag-aalala ako, pwede mo bang sabihin kung bakit ka umiyak?"

"Ayos lang po ako, ma. Huwag ka na po mag-alala sa akin."

"Kung 'yan ang gusto mo, sige. Pero pwede kang magsabi sa akin anytime, ha? Makikinig ako."

Tumango lang ako at pilit na ngumiti kay mama. Hanggang sa makarating na kami sa bahay nila lola hindi na ako kumibo. Usually naman pag umuuwi kami dito ako ang pinaka excited pero hindi ko 'yon maramdaman ngayon.

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon