ABI
Pagkatapos namin mag celebrate ng pasko kasama sila lola umuwi rin kami sa Alabang. Sa bahay na kami mag cecelebrate ng new year. Sinasama nga namin si Lola kaso ayaw niya. Sa ibang araw na lang daw siya pupunta sa amin.
Pagdating naman namin sa bahay dumiretso na ako sa taas. Hindi ko na sila pinansin lahat kahit si Bullet. Nakatulog naman ako sa sasakyan pero antok na antok pa rin ako.
Halos kakapikit ko pa lang para matulog nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tamad na tamad ko iyong inabot sa side table. Nang makitang number at pangalan iyon ni Bullet pinindot ko agad ang answer button.
["Hey,"]
"Hmm?" Antok na antok kong sambit.
["Matutulog ka na? Hindi ka ba kakain muna?"]
"Matutulog na…" mahina kong sabi, para na akong lumulutang sa sobrang antok. "Bukas na lang tayo mag-usap." dugtong ko.
["Maaga kaming aalis ni Gil bukas. May aasikasuhin kami for school."]
Hindi ko na nagawang sumagot dahil tuluyan na akong nilukob ng antok. Halos hindi ko na rin maibuka ang mata at bibig ko kahit na naririnig ko siya.
["Zane?"]
I still didn't respond.
["Baby…"] he gently called.
Pinilit kong magmulat ng mata. Tumagilid ako at yumakap sa unan.
"Opo, ingat kayo bukas ni kuya." I said and closed my eyes again.
["Alright, goodnight, Zane."]
"Night, Bullet." Aniko at tuluyan na akong nakatulog.
Siya na ata ang nag end ng call dahil hindi na talaga ako gumalaw.
Kinabukasan, kami na lang ni mama ang naiwan dito sa bahay. Tanghali na ako nagising. Si mama pagkatapos niyang magluto natulog ulit siya kaya mag-isa lang akong kumakain ngayon ng tanghalian.
From: Dwight 💗
Hi, Abi! Nakauwi na ba kayo?
Binitawan ko agad ang hawak kong kutsara para makapag type ng reply.
To: Dwight 💗
Oo. Kagabi lang ☺️
From: Dwight 💗
Nice! Pwede ba kitang yayain lumabas? Ako na lang magpapaalam sa mama at kuya mo.
Natigilan ako. Paano ko sasabihin sa kanyang hindi na siya pwedeng manligaw sa akin? Hindi na pwede kasi… sinagot ko na si Bullet.
Napabuntong hininga ako. Nilapag ko ang cellphone ko at dinala ang pinagkainan ko sa lababo. Nang matapos naman ako sa paghuhugas sakto naman narinig ko ang malakas na boses ni kuya Gil sa sala at notification sa cellphone ko.
Tinignan ko muna ang nag chat.
From: Dwight 💗
Abi?
….
Bawal ka ba?
….
It's fine. Next time na lang siguro ☺️
Nakaramdam ako ng konsensya matapos mabasa ang chat niya. Ang hirap-hirap naman. Napakabuting lalaki ni Dwight pero ganito ang ginagawa ko sa kanya.
Kailangan ko na talaga siyang makausap para matapos na 'to.
"Oh, gising na pala ang anak sa mayaman. Grabe, halatang-halatang kagigising mo lang, ah?"
Napapikit akong bumuntong hininga. Ang dami ko na ngang iniisip dadagdag na naman 'tong si kuya Gil.
Hinarap ko siya. "Pwede ba, kuya Gil? Pwede ba tayong mabuhay na hindi mo ako binubwiset?"
"Sayo pa talaga nanggaling 'yan, ah?" Aniya at naglakad papunta sa ref. "Titignan nga lang kita nabubuwiset na ako sayo. Napaka pangit mo kasi."
BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED
AcciónYou can read this story without reading MS1 or MS2, but make sure to read MS3 first. .... Abi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister...
