Kabanata 30

9.3K 149 63
                                        

ABI

"Mahal na mahal na mahal kita, Zane." Bullet emotionally whispered while he hugged me tightly.

Hindi na niya ako binibitawan simula pa kanina. Pinipigilan niya akong umalis para pumunta sa bahay. Gusto ko kasing komprontahin si mama sa mga nalaman ko.

"I know it hurts, mahal. But I want to move on. I want to move on with you. Together, let's build new memories, happy memories." He added.

My tears stream down my cheeks. I look at him intently and gently caress his face.

Why do we need to get hurt? Nagmamahal lang naman kaming dalawa.

"I'm sorry, Bullet… I'm really sorry…" I cried. Tinutukoy ko ang anak namin pero hindi ko iyon masabi.

"Ako dapat ang nagsasabi niyan, Zane. I'm sorry… I'm sorry for not fighting for us. Gumawa dapat ako ng paraan para bumalik sayo. Ikaw dapat ang pinili ko kahit na masakit at bawal."

"Bullet…"

"I love you, Zane. Simula noon hanggang ngayon at sa mga susunod pa na araw. Mahal na mahal kita." He whispered, his tears slowly running down his cheeks.

Yumakap ako sa kanya bago pa tumulo ang mabibigat kong luha. Tanging iyak at malalakas na pagkabog ng mga puso namin ang maririnig dito sa apartment ko. Wala akong pakialam. Gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na meron ako sa loob.

Dito na kami sa sofa nakatulog. Pareho kaming nakatagilid at yakap-yakap ang isa't-isa. Nagising ako bigla sa gitna ng pagtulog. Wala pang liwanag. Madaling araw pa lang.

Napatitig ako sa mukha ni Bullet. He's now sleeping like a baby. Like me, his eyes were also swollen. Pareho kasi kaming nag-iyakan kanina.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na tumakip sa mukha niya. Habang nakatitig ako sa kanya hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko.

Siguro nga para sa iba walang malalim na rason para mahalin ko ng sobra si Bullet. Alam ko 'yon, dahil marami silang nagsasabi na grabe daw ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi kasi nila alam kasi ako lang naman ang nakakakita kung paano si Bullet sa akin.

Hindi nila alam kung paano ako mahalin ni Bullet… At kahit sinong lalaki, walang makahihigit sa kung paano niya ako mahalin.

Hindi lang siya first boyfriend. Hindi lang first kiss and first everything. Siya si Bullet… siya yung lalaking nagpapasaya at nagpapakalma sa akin.

Wala akong pakialam sa mga malalim na rason na 'yan. Basta masaya ang puso ko sa kanya, iyon na 'yon.

"Mahal…" mahinang tawag ko.

"Hmm…" antok na antok niyang tugon.

"I love you." Sinsero kong sabi.

"Opo," sagot niya, hindi pa rin dumidilat.

Napangiti ako. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at natulog na lang ulit.

Kinaumagahan, nagising na lang ako nang maramdaman kong may humahalik sa labi ko ng paulit-ulit. Hindi ko pa man naimumulat ang mata ko napangiti na agad ako at ngumuso para mahalikan niya iyon.

"Good morning, beautiful…" malambing niyang bati bago ako pinaulanan ng mga halik sa mukha.

"Good morning, Mahal…" inaantok ko pang sabi. Yumakap ako sa kanya at nakipagsabayan sa paghalik niya.

"Gising na ikaw. Nagluto ako ng breakfast natin." Aniya sa gitna ng paghalik.

"Really?" Tumigil ako. Tinulungan niya akong umupo.

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon