Kabanata 22

8.5K 144 51
                                        

ABI

Pagbalik namin sa base hindi na humiwalay sa akin si Bullet. Para na siyang asong sunod nang sunod. Tinatanong ko kung bakit ba siya bumubuntot sa akin di naman ako sinasagot. Kung hindi pa siya pinatawag ni Colonel hindi pa ako makakatakas sa kanya.

"Saan ka galing?"

Hinihingal akong umupo sa tabi ni Rita nang makita ko siya dito sa loob ng barracks namin. Napabuntong hininga ako.

"Kung saan-saan. Hindi na ako tinantanan ni Bullet. Tumakas na nga lang ako dahil pinatawag siya ni Colonel ngayon lang."

Ngumisi si Rita. "Akala ko ba si 'I don't wanna hear your explanation anymore. You cheated on me, Abigail.' iyang si Sir Ferrer? Bakit naman bumubuntot 'yan sa'yo?"

"Para manggago, Rita. Para maipamuka niya sa akin tuwing magkaharap kami na nag cheat ako sa kanya. Iyon kasi yung bago niyang happy pill, ang inisin at konsensyahin ako."

"Weh? Baka naman kasi natatakot na maunahan siya ni Sir Tristan?"

"Sir Tristan and I were just friends, Rita."

"Osiya sige, kung 'yan ang sabi mo." Aniya, tinapik ang balikat ko. "Goodluck kay friend at kay ex, Sison."

Magkaibigan lang naman talaga kami ni Sir Tristan. I already made it clear to him. Hangga't hindi pa ako ready magpaligaw at magkaroon ng bagong boyfriend hanggang kaibigan lang kami. And it's all fine to him because he understands me.

"Sison, sumama ka kay Baylon para pumunta sa headquarters sa bayan. Kumuha kayo ng mga supplies na kailangan natin dito sa base." Ani Sir Abarcar.

"Yes, Sir." Sumulyap ako kay Sir Tristan. Ngumiti ito sa akin kaya napangiti din ako.

May iba pa kaming makakasama papunta sa headquarters. Ako nga lang ang nag-iisang babae dahil si Rita ay may inutos na iba sa kanya.

"Dadaan din pala tayo sa palengke para bumili ng ulam natin para mamaya." Inabot sa akin ni Sir Tristan ang listahan na dala niya. "Ikaw na humawak niyan. Ako na ang mag d-drive."

Sinamahan niya muna ako hanggang sa marating namin ang passenger side ng military truck. Tutulungan niya akong makasakay sa truck. Nang buksan niya naman ang pinto para sa akin, may umagaw doon at may naunang sumakay.

"Bullet?" Nangunot ang noo ko.

Nakaupo na siya doon sa loob na para bang inimbita namin siyang sumama. Nang makitang nakakunot ako ng noo sa kanya nangunot din ang noo niya sa akin.

"What?" Siya pa ang may ganang mag tanong!

"Anong ginagawa mo?"

He raised his brow. "Why? I can't join you?" He said then looked to my side kung nasaan nakatayo si Sir Tristan. "It's Colonel Buenaflor's order. Sumusunod lang ako."

"Ah…" dinaan iyon sa tawa ni Sir Tristan bago tumingin sa akin. "Sumakay ka na, Abi. Kailangan na natin umalis bago tayo maabutan ng gabi sa daan."

"Sige…" nasabi ko na lang bago sumakay at umupo sa tabi ng bwisit na 'to.

Inirapan ko siya nang makita ko siyang sarkastikong nakangiti sa akin. Alam kong may binabalak na naman 'tong lalaking 'to kaya ganito ang ngiti niya. Kung ano man 'yon, bwisit siya!

Ngayon tuloy ang pwesto namin napapagitnaan namin si Bullet. Si Sir Tristan ang nagmamaneho habang si Bullet naman ang nasa gitna at ako ang nasa tabi ng pintuan. Yung iba naman naming kasamahan nasa likod.

Mayamaya ay narinig kong umubo si Sir Tristan. Napalingon agad ako sa kanya para silipin pero sinadya namang harangan ni Bullet ang tinitignan ko.

Tinaasan ko siya ng kilay. Yung tingin ko sa kanyang nagtatanong kung anong ginagawa niya pero tinaasan niya rin ako ng kilay. 

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon