Kabanata 38

7.5K 140 18
                                        

ABI

"Bakit di mo sinasagot mga tawag ko, Abigail?" Istikrong tanong sa akin ni kuya Gil.

Sinadya nila akong puntahan dito sa kampo dahil ilang araw na akong walang paramdam sa kanila. Si Mama naman nananahimik sa tabi niya.

Nandito kami sa likod. Dito ko sila dinala dahil alam ko na kung saan aabot ang usapan na 'to.

"Kahit text o pagsagot sa mga tawag namin ni mama hindi mo magawa." Dugtong niya.

"Abi anak, may problema ka ba?" Nag-aalalang tanong naman ni mama.

Wala akong kahit na anong naging reaksyon. Nakatingin ako sa pagitan nila. Hindi ako tumitingin kay kuya. Hindi rin ako tumitingin kay mama. Pero kahit ganun nahahagip pa rin naman sila ng mata ko.

"Tignan mo 'to parang di kinakausap." Naiinis na sabi na naman ni kuya Gil.

Nakuyom ko ang kamao ko. Nagpipigil sa galit at iyak kong sinalubong ang tingin ni kuya. Natigilan siya. Sumulyap siya saglit kay mama bago muling nag balik ng tingin sa akin.

Kung noon sa tuwing inaasar niya ako kayang-kaya ko siyang mapatawad sa lahat ng pang-aasar niya sa akin ngayon hindi na.

"Ayaw ko kayong makita." Mariin na aniko bago naglipat ng tingin kay Mama. "Ayokong makita ang mga taong sumira sa buhay ko."

Napaawang ang bibig ni mama sa narinig sa akin. Napuno ng pagtataka ang tingin nila sa akin. Nagagalit ako. Nanginginig ako sa galit. Sa tuwing naiisip ko kung paano ako madurog noon, hinihiling ko na rin na sana magkasama na lang kaming nawala ng anak ko.

"Abigail, a-ano bang pinagsasabi mo, anak?" Nagmamaang-maangan na tanong sa akin ni mama.

Sarkastiko akong umismid. "Really, ma? You asked Bullet to break up with me?"

Napakurap siya. "A-Ano?" 

"Alam ko na lahat, Ma. Alam ko na yung ginawa niyo ni Kuya. Pinagkatiwalaan ko kayo 'yon pala kayong dalawa ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko!"

"Abigail!" Saway sa akin ni Kuya.

Sinalubong ko ang tingin niya at masama siyang tinignan.

"Sinabi mo kay Bullet yung tungkol sa anak namin!"

Hindi siya nakaimik. Sarkastiko akong natawa dahil sa mga reaksyon nilang dalawa. Halatang-halata na guilty sila sa mga sinabi ko. Hindi man lang talaga nila tinanggi. Ibig sabihin nagsasabi nga ng totoo si Bullet.

Umismid ako. "Totoo nga…"

"Anak…"

"Ma, alam mo kung gaano ko kamahal si Bullet." Bumaling ako sa kanya. "Alam mo 'yon, 'di ba?"

"It's for your own good, Abi."

"Bakit? Naging maayos ba ako pagkatapos namin maghiwalay?"

"Ayusin mo 'yang bunganga mo, Abigail." Sumingit si Kuya Gil. Nanunuway ang tono. 

Napairap ako. "Ayusin niyo rin kasi ang pangingialam niyo sa buhay ko, Kuya!"

Nanlaki ang mata niya.

"Anong sabi mo?" Susugod sana siya sa akin nang pigilan siya ni mama. "Ma, sumusobra na 'tong batang 'to, eh…"

"Anak huwag na…" pumagitna sa amin si mama.

"Hindi na ako bata, kuya. Stop treating me like a damn kid. Hindi na ako bata!"

Tumaas ang kilay niya. "Tagala? Eh sa ginagawa mo ngayon para ka pa ring bata, Abigail. Nagagalit ka sa amin dahil pinaghiwalay namin kayo ni Khal noon? Nakita mo ba yung sarili mo dati, Abi?"

Bullet of Rules (Military Series 4) COMPLETED Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon